Move On, Move On… Pa’no Yun?


Ang mga salitang move on ay madalas masambit ng mga kaibigang wala ng maisip na iadvice sa mga kaibigan nilang nagluluksa dahil sa sawing pag-ibig. Kung minsan din naman kasi, sobrang O.A. natin kung masaktan lalo na kung puso ang pinag-uusapan (yung tipong pang commercial lang ang peg… Nay Baki?!!?!?!).

Kung gaano kadaling sabihin ang mga salitang ito, ganun naman sya kahirap gawin. Hindi ito parang sakit ng ulo na naitutulog mo tapos pag gising ay wala na. Ito ay nangangailangan ng panahon at pang-unawa. Hindi porke’t pagod ka ng makinig sa kadramahan ng kaibigan mo ay pag sasabihan mo na syang mag move on. Tandaan mahirap diktahan ang emosyon. Di pwedeng pekeen ng kaibigan mo ang nararamdaman nya (di ko din naman sinasabing walang namemeke ng nararamdaman).



Bakit ba mahirap mag move on?

Maraming dahilan kung bakit mahirap gawin ang mga katagang ito. Iilan sa mga ito ay ang sumusunod:
  •  Masyadong kang naattach sa tao at hindi mo kayang isipin na hindi na sya magiging bahagi ng buhay mo.
  • Ang saya ng napagsamahan nyo. Ang mga magagandang karanasan ay iilan lamang sa hindi madaling kalimutan.
  • Bumuo ka na ng mga plano kasama ang taong yun, tapos nawala ng parang bula (o diba ang sakit?)
  • Aakalain mong wala ng magmamahal at tatanggap sa’yo (kasinungalingan, alam mo yan!).
  • Hiniling at ipinagdasal mong sana kayo pa rin hanggang sa huli,  at iisispin mong hindi dininig ang mga panalangin mo.
  • Nawala ang taong mahal mo (kelangan pa bang ipaliwanag to? – sabi nga ng mga estudyante kong tamad mag explain, ‘that’s very self-explanatory’).
  • Gusto mo lang talagang magmukmok, sisihin ang mundo at magpaka best actress dahil sa kalungkutang nararamdaman mo. (Aminin, ang sarap magdrama pag broken hearted ka, kaso ‘wag masyadong patagalin kasi madalas nakakairita na). 

Iilan lamang yan sa mga dahilan kung bakit mahirap mag MOVE ON. Kadalasan kasi, ang mismong kalaban natin ay ang mga sarili natin. Mahilig tayong umasa, gagawa tayo ng maraming dahilan para isiping magkakabalikan tayo ng mga ex natin. Ayaw nating tanggapin na hindi na pwede. Kasi naman, di lang masakit sa puso, masakit rin sa PRIDE. (Sa ganda o gwapo mong yan, nagawa kang iiwan, mas masaklap kung pinagpalit ka sa iba.)

Hindi lang tayo mahilig umasa, madalas, BITTER pa tayo. Kahit anong deny mo, eh obvious naman. Sasabihin nating hindi natin kawalan, tayo ang sinayang, o kaya, sya rin ang manghihinayang. Ang mga salitang ito ay mga pampalubag loob lamang. Idagdag mo pa ang mga kaibigang magsasabing, ‘wag mo na syang pag-aksayanhan ng panahon, you deserve better o di naman kaya, ang tanga nya lang at ipinagpalit ka niya sa iba.’  May point naman siguro sila, kaya lang, it ay pag suSUGAR COAT lamang sa katotohanan na wala na kayo. Kung matatanggap mo ang katotohanang ito, mas madaling magMOVE ON.

Madalas din tayong sinungaling. Sasabihin nating okay na tayo at nakapag move on na, pero hindi naman totoo. May nakapag moveon bang gagamit ng ibang sim matxt lng si Ex? O di naman kaya ay gagawa ng ibang FB account maadd lang sya ulit? (Kasi naman, bakit pa binlock at unfriend?) Stalker din kung minsan, daig pa nga ang imbestigador, malaman lang kung may iba na ba sya, namimiss ka ba nya o kung may kamalasan bang nangyari sa buhay nya (bubulong pa na SANA makarma…).

Para san ba ang efforts mo? Sabi nga ng kaibigan ko nung pinaplano ko to, ‘Ano ba gusto mong mangyari? Dagdagan ang sakit na nararamdaman mo?’ May point nga naman sya, aksaya sa oras. Iiiyak ko na lang.

Paano ba mag move on?

Hindi po ito math na may FORMULA. Ito po ay isang desisyon. Pagtapos ka ng umiyak at napagod ka ng magdrama, pairalin mo na yung utak. Hindi ito madali, lalo na kung minsam mo lang ginagamit ang utak mo. (Aray! Natamaan ba kita?).

Iba-iba ang ating reaction sa mga ganitong pagsubok, may iba na gustong pag-usapan ng paulit-ulit. Therapy kasi ito para sa kanila. May iba rin namang ayaw pag-usapan, at gustong hayaan silang mag-isa. Hindi mahalaga kung paano ka magreact sa mga ganitong bagay. Ang importante ay mayroon kang SUPPORT SYSTEM na tinatawag; mga kaibigan, dabarkads, kapamilya, kapatid, kapuso at kung sino man na pwedeng dumamay sa’yo.

Kung ikaw naman ay isang kaibigan na dadamay, wag mo naman pagtawanan o kagagalitan ang kaibigan mo. Mamaya mo na gawin yan pag ok na sya. Sabi ko nga sa mga estudyante ko, NEVER UNDERESTIMATE WHAT YOUR FRIENDS ARE GOING THROUGH. Kung minsan kasi, parang hindi naman talaga malaki ang problem nya, O.A. lang talaga sya. Pero malaking bagay na yun para sa kanya, kaya kung maaari, wag ka ng dumagdag sa ikikainis nya. Pag ikaw nabroken hearted, makakaganti ka rin.
Nagsisimula ang proseso ng pag momove on sa pagtanggap ng katotohanan. Ito din ang pinakamatagal at pinakamahirap gawin. Madalas, matagal tayo sa STAGE OF DENIAL. Kasi nga, mahirap tanggapin na hindi na mangyayari ang gusto nating mangyari. Di na rin ito pwedeng iNEGOTIATE.

Sunod ay ang pag LET GO. Mahirap din itong gawin. Ang unti-unti mong pagbitiw sa mga plano mo kasama sya ay hindi madaling gawin, pero kailangan. Iwasan mo ng umasa, iwasan mo ng isipin sya. Mahirap itong gawin kung wala ka na mang ibang ginagawa. Kaya dapat, maghanap ka ng pwedeng pagkaabalahan mo. Maraming nagpapaganda, nag-aayos at gumigimik. Pero hindi LASTING ang epekto nito. Pagkatapos mong magkunwaring masaya, lulungkot ka ulit.

Subukan mong gawing ang mga bagay na matagal mo ng gustong gawin. Halimbawa, gusto mong matutong tumugtog ng gitara, aralin mo. Gusto mong magbake, itry mo. Gusto mong maging freelance photographer, umpisahan mo. Ang daming pwedeng gawin. Kaya imbes na magmukmok ka, gawin mo ang mga bagay na magpapasaya sa’yo.

Hindi madaling magsimula ulit. Pero kung hindi mo ito susubukan, ikaw din ang kawawa. Tandaan, ang mundo ay hindi titigil sa pag-ikot dahil nasaktan ka. Kelangan mong tulungan ang sarili mo, dahil kung hindi, hindi ka makakabangon.



Comments

Popular posts from this blog

A REFLECTION PAPER ON METAPHYSICS

Why You Need to Take it Easy on Yourself?

Be Optimistic